Kaso ng dengue sa QC, tumaas ng 277% kumpara noong nakaraang taon

Umabot sa 355 ang naitalang kaso ng dengue sa Quezon City mula January 1 hanggang February 11, 2023.

Inanunsyo ng Quezon City Government na umabot sa 355 kaso ng dengue ang naitala sa Quezon City mula January 1 hanggang February 11, 2023.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, tumaas ito ng 277.66% o 261 cases kumpara noong 2022.


Paliwanag ng Local Government Unit (LGU) na ang District 4 ay nakapagtala ng pinakamataas na kaso na umabot sa 81 cases habang ang District 2 naman ang pinakamababa na may 29 na kaso.

Sa kabila nito ay wala namang naiulat na nasawi dahil dengue.

Pinapayuhan ang lahat na pumunta kaagad sa pinakamalapit na health center o pagamutan kung makita o maramdaman ang mga sintomas ng dengue.

Facebook Comments