Dumoble ang naitalang kaso ng dengue sa Region 1 unang apat na buwan ngayong taon.
Ayon sa DOH CHD 1, nasa 161% ang itinaas nito. Diumano, nasa 1,830 na kaso na ang naitala mula January 1 hanggang April 5, samantalang nasa 701 lamang ito sa parehong panahon noong taon.
Naitala naman sa Pangasinan ang pinakamataas na kaso na pumalo sa 828, samantalang 86 naman sa Dagupan City.
Bagamat tumaas ito, nakitaan naman na umano ito ng pagbaba noong nakaraang linggo, ayon kay CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis.
Patuloy naman ang paalala ng health authorities sa publiko ukol sa kalinisan at kung sakaling makaramdam ng sintomas ay maiging sumangguni agad sa center o ospital at huwag mag self medicate. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments