Kaso ng Dengue sa Region 2, InaasahangTataas pa!

170

Posibleng tataas pa ng 164% ang kaso ng dengue dahil sa pagpasok ng tag-ulan sa Lambak ng Cagayan kung ihahambing noong 2018.

Ayon kay Dr. Romeo Turingan ng Department of Health (DOH) Region 2 na mula sa unang araw ng Enero hanggang ika-walo ng Hulyo ngayong taon ay umabot na sa 6,309 ang kaso n g dengue sa rehiyon kumpara sa 2,328 dengue cases na naitala noong taong 2018.

Umabot na sa 24 ang namatay sanhi ng dengue kumpara sa 5 lamang noong 2018.


Ayon kay Dr. Turingan, tumaas ang kaso ng dengue sa 1st quarter ng 2019 ngunit bumaba ngayong ikalawang quarter.

Kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ng dengue sa taong kasalukuyan ay ang mga di nalilinisang container na pinamumugaran ng mga lamok at ang pagbaba na rin ng mga aktibong komunidad na nagpapatupad ng mga hakbang para mapuksa ang mga lamok na carrier ng dengue.

Bukod dito, apat na strain ng dengue ay nasa Region 2 kaya tumaas ang kaso ng dengue lalo na sa Lalawigan ng Isabela at Cagayan.



Kaugnay nito, namahagi ng insecticides ang tanggapan ng DOH para sa mga barangay at paaralan at nagtatag na rin sila ng mga Action Barangay Kontra Dengue upang mapuksa ang mga lamok sa mga lugar na may mataas na kaso ng nasabing sakit.

Facebook Comments