Patuloy ang pagbaba ng mga naitatalang kaso ng dengue sa Rehiyon Uno, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health – Center for Health Development Region 1 (DOH-CHD 1).
Batay sa datos ng ahensya, mula Enero 1 hanggang Abril 26 ng kasalukuyang taon, naitala ang kabuuang 2,095 kaso ng dengue sa rehiyon. Pinakamataas ang bilang sa lalawigan ng Pangasinan na may 945 kaso, sinundan ng La Union na may 454, Ilocos Sur na may 402, Ilocos Norte na may 202, at Dagupan City na may 92.
Malaki ang ibinaba nito kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, kung saan umabot sa 2,888 kaso, na may 793 kaso lamang ngayong taon sa kaparehong saklaw ng panahon.
Gayunpaman, nakapagtala pa rin ang rehiyon ng sampung kumpirmadong nasawi dahil sa dengue. Pitong biktima ang nagmula sa Pangasinan, dalawa sa La Union, at isa mula sa Dagupan City.
Tiniyak naman ng DOH-CHD 1 na nananatili silang nakaalerto sa mga kaso ng dengue sa rehiyon. Aktibo ang mga itinakdang dengue fast lanes sa mga pampubliko at pribadong ospital upang agad na matugunan ang mga pasyenteng may sintomas ng sakit.
Muling nananawagan ang DOH sa publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran, iwasan ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok, at suportahan ang mga programang kontra-dengue upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments