Kaso ng Dengue Sa Santiago City, Bumaba!

*Santiago City- *Mas lalong pinaigting ngayon ng Santiago City Health Office ang pagpapababa ng kaso ng Dengue sa kanilang nasasakupang Lungsod.

Batay sa ibinahaging datos ng City Health Office, malaki ang diperensya at naging pagbaba ng kaso ng dengue nitong nakaraang buwan ng Oktubre at Nobyembre.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Ginang Pamela Sabio, ang Nurse Supervisor ng naturang tanggapan, inihayag nito na nakapagtala sila ng bilang na 109 noong nakaraang buwan ng Oktubre habang nito lamang Nobyembre ay nasa 58 na lamang.


Sa ngayon ay nag-iikot na ang kanilang tanggapan sa mga barangay upang dalawin at mabigyan ng sapat na kaalaman hinggil sa pagsugpo ng dengue.

Patuloy namang nagpapaalala ang naturang tanggapan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran upang makaiwas sa sakit na dengue.

Facebook Comments