Kaso ng dengue, tumaas ng higit 30% nitong nakaaran buwan – DOH

Umaabot na sa 128,834 ang naitalang kaso ng Dengue sa bansa base sa datos ng Department of Health (DOH) nitong July 27, 2024.

Mas mataas ito ng 33% kumpara sa 97,211 kaso na naitala sa kaparehong panahon kung saan nasa 337 na ang naitalang nasawi na mas mababa rin kumpara sa 378 na naitala noon Enero hanggang Hulyo 2023.

Paliwanag ng DOH, ang mababang bilang ng mga nasawi ay bunsod na rin ng ginagawang maagap na pagkonsulta ng mga nagkakasakit kaya’t naaagapan ang sakit.


Sinabi ng DOH, patuloy ang pagtaas pa rin ng kaso dengue sa nakalipas na linggo kung saan naitatala ito sa mga rehiyon ng Western Visayas, Central Visayas, Cagayan Valley, at CALABARZON.

Samantala, makalipas ang dalawang linggo matapos manalasa ang Bagyong Carina at habagat nakapagtala ang DOH ng 67 na kaso ng leptospirosis sa mga lugar na nagkaroon ng pagbaha.

Kaugnay nito, patuloy na nakabantay at naka-monitor ang DOH sa mga nasabing kaso ng dengue at Leptospirosis habang pinapayuhan ang publiko na agad magpakonsulta sa doktor kung nakakaranas ng sintomas ng mga nabanggit na sakit.

Facebook Comments