Kaso ng diarrhea sa dalawang lalawigan sa bansa, tumaas dahil sa epekto ng El Niño

Tumaas ang kaso ng diarrhea sa dalawang lalawigan sa bansa na nakararanas ng matinding epekto ng El Niño.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, tinukoy ni Task Force El Nino Spokesperson at PCO Asec. Joey Villarama na ang pagtaas ng kaso ng diarrhea ay naitala sa Occidental at Oriental Mindoro.

Nakitang dahilan aniya nito ay ang kakulangan sa suplay ng malinis na tubig.


Pero nilinaw naman ni Villarama na hindi pa naman ito humahantong sa outbreak level.

Nakatutok na aniya ang task force sa sitwasyon at tiniyak na nakahanda ang mga ospital para tumugon kung kinakailangan ng sitwasyon.

Naka-monitor na rin sila sa suplay ng kuryente sa dalawang lalawigan para matiyak na hindi magkakaroon ng power outage o interruption lalo na sa mga pampublikong ospital.

Facebook Comments