Kaso ng fake booking scam, tumaas ayon sa PNP ACG

Tumaas ang kaso ng fake booking scam nitong ikalawang linggo ng Marso.

Sa datos mula sa Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG), mula sa normal na isa hanggang anim na kaso ng naturang scam noong Enero, tumaas sa 10 kaso ng fake booking scam ang kanilang naitala nitong ikalawang linggo ng Marso na nagresulta sa 43 kabuuang kaso.

Ayon sa PNP ACG, pangkaraniwang biktima ng fake booking scam ay mga food delivery rider.


Sa ilalim ng modus, mag-o-order sa pamamagitan ng cash on delivery ang suspek at pagdating sa designated delivery address ay hindi na ito matatawagan sa telepono at hindi na mababayaran pa ang kanyang inorder.

Kasunod nito, nagpaalala ang PNP ACG sa publiko na ugaliing i-check maigi ang orders bago tanggapin.

Maigi ring suriiin ang lahat ng detalye at tumanggap na lang ng online payments.

Para naman sa mga biktima ng scam, agad itong i-report sa pulisya.

Facebook Comments