Pumalo na sa 47 ang naitalang firework-related injuries sa Ilocos Region mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 28, 2025, ayon sa Department of Health.
May apat na dagdag na kaso na naitala mismo noong Disyembre 28.
Bagama’t mas mababa ito ng 7.8 porsyento kumpara sa parehong petsa noong nakaraang taon, nananatiling mga bata na may edad 5 hanggang 9 at 10 hanggang 14 ang pinakaapektado, habang mahigit 80 porsyento ng mga biktima ay binubuo ng mga kalalakihan.
Pinakamaraming pinsala ang dulot ng mga walang label na paputok, kabilang ang Five Star at pla-pla.
Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na iwasan ang paggamit ng delikadong paputok at pumili ng mas ligtas na paraan ng pagsalubong sa bagong taon upang maiwasan ang disgrasya.
Facebook Comments




