KASO NG FIREWORK-RELATED INJURIES SA ILOCOS REGION SA PAGSALUBONG NG BAGONG TAON, TUMAAS NGAYONG 2026

Tumaas ang bilang ng firework-related injuries sa Ilocos Region sa pagsalubong ng Bagong Taon ngayong 2026, ayon sa pinakahuling tala ng Ilocos Center for Health Development (CHD).

Batay sa datos, umabot na sa kabuuang 290 kaso ng firework-related injuries ang naitala mula Disyembre 21, 2025 hanggang umaga ng Enero 4, 2026, kung saan walo (8) ang naitalang karagdagang kaso.

Mas mataas ito ng 36.8 porsiyento kumpara sa naitalang 212 kaso sa kaparehong panahon noong 2025.

Kwitis, Five Star, luces, boga, at mga walang label na paputok ang kabilang sa mga pangunahing sanhi ng mga insidente.

Pinakamaraming naapektuhan ang mga nasa edad 10 hanggang 14 taong gulang na bumubuo sa halos bente porsiyento ng kabuuang kaso, habang higit 81 porsiyento naman ng mga biktima ay mga lalaki.

Ang mga datos ay nakalap mula sa mga Provincial DOH Offices, Provincial Health Offices, pampubliko at pribadong ospital, at DOH hospitals sa pamamagitan ng Online National Electronic Injury Surveillance System (ONEISS).

Facebook Comments