Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa bisperas ng 2019.
Sa interview ng RMN Manila, kinumpirma ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na umakyat na sa 56 ang kaso ng fireworks-related injuries.
Partikular ang firecracker-related injuries sa mga lugar sa Region 6, 7, 1, 3, 8 at 12.
Ayon kay Duque, mas mababa ito ng 50 porsyento kumpara sa naitalang kaso sa kaparehong panahon noong 2017 at 75 porsyento itong mas mababa sa 5-year average period.
Ilan sa mga nadisgrasya ng paputok ay dahil sa boga, triangle,
Kwitis, piccolo, 5-star, baby rocket, bawang, camara at luces.
32 sa mga biktima ay nasabugan at nagtamo ng mga paso.
Lima naman ang kinailangang putulan ng daliri, 19 ang mayroong eye injury at dalawa ang nakalubok ng pulbura.