Kaso ng flu at COVID-19 sa bansa, pumalo na sa 200-K ayon sa DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 200,000 na kaso ng influenza-like illnesses at COVID-19 sa bansa sa gitna ng mga ulat ng pagtaas ng kaso ng respiratory illnesses sa Northern China.

Ayon kay DOH Chief Information Officer Undersecretary Eric Tayag, ang mga naitalang bilang ng respiratory illnesses ay mas mataas sa 90,000 na kasong naitala sa kaparehong panahon noong mga nakaraang taon.

Gayunpaman, hindi naman lahat aniya ito ay influenza dahil ilan sa mga nai-test ay COVID-19.


Nakakabahala rin aniya ang sitwasyon sa China dahil kahit hindi magkalapit na lugar ay may mga kaso sa mga bata at marami ang nao-ospital.

Dagdag pa ni Tayag, wala nang bakuna ang Pilipinas sa laban sa COVID-19.

Hinihintay na lamang aniya ng DOH na may magmamagandang loob na mag-donate ng mga bagong COVID vaccine.

Facebook Comments