Umabot na sa 121% o kabuuang 4, 210 na kaso ng acute gastroenteritis ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan mula Enero 1 hanggang Agosto 29 ngayon taon ito ay batay sa inilabas ng Pangasinan Health Office.
Ayon sa talaan ng PHO, mas mataas umano ang bilang ngayon kung saan nasa 1,904 cases na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga pasyente, mga batang nasa isa hanggang apat na taong gulang.
Umabot na rin sa 24 ang namatay dahil sa sakit kaysa noong nakaraang taon na nasa 11 lamang.
Ang mga bayan ng Alaminos City, Binmaley, Bolinao, Calasiao, Lingayen, Mangaldan, Malasiqui, Pozorrubio, at San Carlos City ay ang mga munisipalidad at lungsod na sasailalim sa monitoring ng PHO.
Sa panayam kay PHO Chief, Dr. Anna Ma. Teresa De Guzman, ang pagtaas ng kaso ng nasabing sakit ay dahil sa hindi malinis na pinagkukunan ng inuming tubig at sa kung paano maghanda ng pagkain maging sa kalinisan.
Nagbigay rin ng payo si De Guzman sa mga magulang na pakuluan ng maigi ang tubig na iinumin kung hindi sila sigurado sa kaligtasan ng pinagmulan nito. | ifmnews
Facebook Comments