Tumaas ngayong taon ang bilang ng kaso ng sakit na Hand, Foot and Mouth Diseases sa Ilocos Region.
Sa isang panayam sinabi ni Dr. Rheuel Bobis Ang tagapagsalita ng Center for Health Development sa Ilocos Region na mayroong bahagyang pagtaas sa kaso ng Hand, Foot and Mouth Diseases kung saan base sa kanilang pinakahuling monitoring ay mayroong 145 na kaso sa rehiyon, nanguna dito ang Pangasinan na mayroong 70 na kaso at sa Dagupan City na mayroong 16 na hinihinalang HFMD at isa ang positibong kaso.
35 mga lugar naman sa rehiyon ang patuloy na binabantayan ng DOH-CHD 1 ukol sa pagkakaroon ng kaso ng naturang sakit.
Itinuturing ang sakit na ito bilang isang viral inspection kung saan mayroong itong sintomas na mataas na lagnat, walang ganang kumain, pagkapagod, pamamaga ng lalamunan, pagkakaroon ng pantal sa balat lalo na sa kamay, bibig at sa paa.
Sa ngayon pinag-iingat ang publiko at pinaalalahanan ang mga magulang na agad na ipa-konsulta sa doktor ang kanilang mga anak kung saan edad 4-9 ang kadalasang tinatamaan ng sakit na ito at kung nakakaranas na ng sintomas ng sakit. | ifmnews
Facebook Comments