Inihayag ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 155 ang naitalang kaso ng hand, foot, and mouth disease sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang mga naturang kaso ay naitala mula noong Oktubre hanggang ngayong araw.
Sa bilang na ito, mayorya ng mga tinamaan ay 11 taong gulang pababa.
Pero paglilinaw ng DOH, kahit umakyat na ito sa mahigit isang daan ay wala pa ring dahilan para magdekalara ng outbreak sa NCR.
Manageable pa anila ang sitwasyon sa sakit na ito at patuloy rin ang kanilang koordinasyon sa mga Local Government Unit (LGU) para umalalay sa mga tinatamaan ng hand, foot and mouth disease.
Facebook Comments