KASO NG HAND, FOOT AND MOUTH DISEASE SA REGION I, TUMAAS PA

Tumaas pa ang kaso ng Hand, Foot and Mouth Diseases Ilocos Region.

Hanggang sa kasalukuyan, mayroon nang naitalang 1, 231 na kaso ng naturang sakit sa rehiyon, kung saan ang pinakamataas na bilang ay mula sa lalawigan ng La Union at sinundan naman ng Pangasinan.

Sa mga nauna nang nakapanayam na mga magulang ng IFM News Dagupan, tiniyak ng mga ito na doble ingat ang pag-aalaga sa kani-kanilang mga anak upang hindi mahawaan ang mga ito sa nasabing sakit.

Samantala, patuloy naman ang monitoring ng health authorities sa ibat-ibang sakit, at mas pinaiigting din ang pagpapaalala sa publiko upang makaiwas sa anumang uri ng sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments