Patuloy na minomonitor ng health authorities ang pagsipa ng kaso ng kaso ng Hand, Foot and Mouth Diseases sa Rehiyon Uno.
Umabot na sa 1,085 kaso ng HFMD ang naitala simula January 1 hanggang nitong 5 ng Abril , malayo sa 97 na suspected cases sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa buong rehiyon, nanguna ang probinsya ng La Union na may 482 na kaso, 332 sa Pangasinan, 116 sa Ilocos Norte, 89 sa Ilocos Sur at 66 sa Dagupan City.
Posibleng naging dahilan nito umano ay ang mga pagtitipon na naganap bunsod ng semana santa at iba pang social gatherings na malaking tsansa na magkaroon ng hawaan.
Dahil dito, doble ingat ang mga magulang sa pangangalaga ng kanilang mga anak upang hindi mahawaan ng sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments






