KASO NG HIV-AIDS SA ILOCOS REGION, PUMALO NA SA 2, 307

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng HIV-AIDS sa Ilocos Region.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health-Center for Health Development 1,may kabuuang 2, 307 HIV-AIDS cases mula Enero 1984 hanggang Pebrero 2022.
Sa nasabing bilang, Pangasinan ang nangunguna na mayroong 1,172 na kaso, sinusundan ng La Union na nakapagtala ng 421 na kaso, ikatlo ang Ilocos sur na mayroong 342 na kaso, Ilocos Norte na mayroong 238 at pang huli ang Dagupan City na nakapagtala ng 133 na kaso.

Sa nasabing mga bilang pinakamarami ang nakakuha ng sakit dahil sa sexual contact.
Nangunguna dito ang may mataas na bilang ay lalaki sa lalaki na nasa 1,244.
Ngayong 2022, nakapagtala ng 73 na kaso ang dumagdag sa sakit at nakapagtala ng isang nasawi.
Rank 9 ang rehiyon sa may pinakamaraming HIV-AIDS cases sa buong Pilipinas.
Dahil dito, patuloy ang pag engganyo ng DOH-CHD1, na magpasuri at sumailalim sa treatment o gamutan sa naturang sakit.
Layon din ng ahensya na mapataas ang testing and screening sa rehiyon upang matulungan ang mga indibidwal na may HIV-AIDS. | ifmnews
Facebook Comments