Kaso ng HIV sa Lungsod ng Cauayan, Bahagyang Tumaas!

Tumaas ng bahagya ang bilang ng mga taong nagpositibo sa sakit na Human Immune Deficiency Virus o HIV sa Lungsod ng Cauayan.

Ito ay base sa datos ng City Health Office 1, ang National Capital Region (NCR) pa rin ang may pinakamataas na bilang na 32% o 819 na ang pangunahing nagpopositibo ay mga lalaki na nakikipagtalik sa kapwa lalaki at 24% o may kabuuang 203 ang nakikipagtalik naman sa Bisexual o sa lalaki at sa babae, 17% sharing needles o hiringgilya at 1% ang mother to child transfusion.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ms. Delia Gonzalvo, HIV-AIDS Coordinator, ilan sa mga may pinakamaraming bilang ng sakit ay gonorrhea o tinatawag na Tulo.


Dagdag pa niya, kung nakakaranas ng hirap na pag ihi o may kakaibang likido na lumalabas sa ihi ng isang tao ay mangyaring magpasuri sa doktor upang maagapan ito.

Nagpaalala naman si Nurse Delia sa publiko na magpasuri sa kahit anong pampublikong ospital kung ikaw ay nakaranas ng ilang pagtatalik ng walang proteksyon.

Binigyan diin din ni Nurse Delia ang ABCDE o Abstinence/ Be Mutually Faithful to your Partner/ Consistent and Correct Use of Condoms/ Don’t share needles, Don’t do drugs/Education, Early Detection.

Sa ngayon ay wala pa rin aniyang lunas ang sakit na HIV kung kaya’t pinag iingat ang publiko na ugaliing gumamit ng proteksyon sa tuwing makipagtalik.

Facebook Comments