Umaabot na sa 3,410 ang naitalang bagong kaso ng HIV mula January hanggang March 2024.
Ito ang ibinahaging datos ng Department of Health (DOH) kung saan sa nasabing bilang 82 na dito ang nasawi.
Ang mga nahawaan ng sakit ay nasa edad mula bago mag-isang taon hanggang 66, walo sa sampung nahawaan ay ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Base pa sa datos, nitong buwan ng Marso lamang, nasa 1,224 bagong kaso ng HIV ang naitala at 12 ang napaulat na nasawi.
Ito’y mula sa edad bago mag-isang taong gulang hanggang 55 kung saan 46% ang edad 25-34 anyos.
Nasa 31% naman sa nahawaan ng HIV ay mga kabataan na nasa edad 15-24 anyos.
Ang mga naturang datos ay ibinahagi ng DOH sa pamamagitan ng Philippine National AIDS Council (PNAC) na bahagi ng International AIDS Candlelight Memorial (IACM) sa darating na May 19, 2024.