KASO NG HIV SA REGION 1, PUMALO NA SA HIGIT APAT NA LIBO

Pumalo na sa 4,151 ang naitalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV sa rehiyon uno, ayon yan sa Center for Health Development Region 1.

Ang naturang datos ay mula pa noong 1984 hanggang nitong Marso ngayong taon.

Pinakamataas na kasong naitala ay sa lalawigan ng Pangasinan na nasa 2,162; sunod ang La Union na may 689; Ilocos Sur na may 584; 461 sa Ilocos Norte; at 245 sa Dagupan City.

Ayon kay CHD1 Spokesperson, Dr. Rheuel Bobis, mula Enero hanggang Marso, nasa 174 umano ang bagong kaso na naitala.

Pinakaapektado naman umano ang mga nasa edad 25-35, na sinundan ng mga nasa edad 15-24.

Pinakamadalas naman na mode of transmission umano ng sakit ay ang males having sex with males. Nagpaalala naman nag awtoridad ang naturang sakit ay walang diskriminasyon sa sakit.

Dahil dito, patuloy naman ang isinasagawang community-based screening ng kagawaran gayundin ng pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa pag-iwas sa sakit.

Samantala, anim na treatment hubs naman sa rehiyon ang nagbibigay ng libreng antiretroviral therapy sa mga nagpositibo sa HIV. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments