Nakitaan umano ng pagtaas ng kaso ng hypertension at mga na heat-stroke sa lungsod ng Dagupan maging sa iba pang munisipalidad sa lalawigan bunsod pa rin ng nararanasang epekto ng El Nino.
Nasa danger category din ang mga naitatalang heat indices na pumapalo sa 42 hanggang 45 Degree Celsius kaya’t mas pinag-iigting sa lungsod ang information dissemination o ilang pagpapaala alinsunod sa pag-iwas ng mga ganitong uri ng sakit na madalas mangyari kapag tag-init.
Ipinaalalang muli sa naganap na Flag Ceremony kaninang umaga ng LGU Dagupan ang mga hakbangin upang hindi mapahamak dulot ng init ng panahon tulad ng pag-inom ng maraming tubig.
Mangilan-ngilang kaso umano na may mga umiinom ng energy drink bagamat nagdudulot ito ng palpitations kaya’t mas maigi kung tubig na lang muna ang inumin.
Hinikayat din ang publiko na huwag munang lumabas sa pagitan ng oras na alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon dahil mas ramdam ang init ng araw sa ganitong mga oras. |ifmnews
Facebook Comments