
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapagtala na lamang sila ng 6,457 na kaso ng Influenza-like Ilnesses (ILI) sa bansa mula September 28 hanggang October 11, 2025.
Ayon sa DOH, mas mababa ito ng 39% kumpara sa sa naitalang 10,740 na kaso noong September 14 hanggang September 27, 2025.
Sinabi rin ng DOH na bagama’t maaari pa itong magbago dahil patuloy ang surveillance, mas mababa pa rin ito ng 25% kaysa sa naitalang 8,628 na kaso sa parehong panahon noong 2024.
Una nang nilinaw ni DOH Secretary Ted Herbosa na walang outbreak at hindi kakailanganin ng lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng ILI.
Facebook Comments









