Bumaba ang naitalang kaso ng Influenza-like Illnesses sa Ilocos Region ayon sa Department of Health.
Sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit mula Enero hanggang October 15 ngayong taon, nasa 16.9 percent ang ibinaba ng kaso sa 8,842 mula sa 10,605 sa parehong petsa noong 2024.
Mula sa Pangasinan ang pinakamaraming kaso na nasa 2,960, sinusundan ng Ilocos Norte sa 2,229 kaso; La Union na nasa 1,762; Ilocos Sur na nasa 1,345 at Dagupan City na may 546 kaso.
Sa kabila nito, binigyang-diin ng tanggapan ang maagap na pagtalima ng publiko sa mga health protocols tulad ng regular na paghuhugas ng kamay, pagtatakip ng bibig at ilong tuwing uubo o babahing, at hinikayat din ang pagsusuot ng facemask kapag pupunta sa matataong lugar.
Sakaling makaranas ng sintomas, abiso ng awtoridad na kumunsulta sa pinakamalapit na health center upang makaiwas at maagapan ang pagkalat ng sakit.









