KASO NG INFLUENZA LIKE ILLNESSES SA PANGASINAN, TUMAAS AYON SA PROVINCIAL HEALTH OFFICE

Mas marami ang naitalang kaso ng influenza o trangkaso sa lalawigan ng Pangasinan noong nagdaang taong 2023 ayon sa Pangasinan Provincincial Health Office (PHO).
Sa datos ng PHO noong 2023, pumalo sa kabuuang 3, 592 kaso ng influenza ang naitala mas mataas ng animnapu’t anim na porsyento (66%) kumpara noong 2022 na nasa 2, 158 kaso lamang.
Ayon pa sa pamunuan ng Epidemiology and Surveillance Unit ng PHO, kadalasang tumataas ang peak ng sakit sa mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre dahil sa pagbabago ng panahon kung saan mas mataas ang naitala noong buwan ng Nobyembre na may 526 kaso.

Kabilang sa watchlist ng PHO ang mga bayan ng Anda, Bayambang, Lingayen, Bolinao, Binmaley, Bani, Malasiqui, Mangaldan at lungsod ng Alaminos.
Dahil dito, pinayuhan ang publiko ni DOH-CHD1 Medical Officer IV Dr. Rheuel Bobis gumawa ng preventive measures, tulad ng pag-avail ng flu vaccine, na ibinibigay nang libre para sa mga senior citizen sa rural health units o health centers maging ang paggamit o muling pagsunod sa mga public health standards. | ifmnews
Facebook Comments