Kaso ng isang pulis na nanghihikayat na mag-aklas ng mga kabaro niyang pulis at tumutol sa pag-aresto kay FPRRD, dadaan sa due process —PNP

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na lilitisin nang may transparency at alinsunod sa due process ang kaso ng isang pulis na nanghihikayat ng pag-aaklas sa gobyerno matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Randulf Tuaño, naka-angkla rito ang integridad at pagiging neutral ng PNP.

Matatandaang si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas ay nag-trending makaraang mag-live sa kanyang Facebook account na nanghihikayat sa kapwa nito mga pulis na mag-alsa sa pamahalaan at tumutol sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte.


Sinabi ni Tuaño, ang kaso laban sa naturang pulis ay bunsod ng hindi awtorisado at may bahid-politikang mga social media post kaugnay ng mga ulat tungkol sa pag-aresto sa dating pangulo ng bansa.

Samantala, sinabi naman ni PNP Chief PGen. Rommel Marbil na ang social media ay hindi isang plataporma para sa personal o pampolitikang agenda.

Facebook Comments