Tinutukan ngayon ng mga PNP Calasiao ang mga menor de edad sa kanilang lugar dahil sa pabata ng pabatang edad na nasasangkot sa iba’t-ibang klase ng krimen at napapasok sa kaso ng juvenile delinquency.
Nito lamang, hinuli ng awtoridad ang tatlong menor de edad na nasa edad 13-16 years old na sangkot sa panloloob sa isang vape shop kung saan nilimas ng mga ito ang lahat ng lamang paninda na nagkakahalaga ng nasa tatlumpung libong piso.
Ayon sa isang panayam kay Calasiao Police Station Deputy Chief PCAPT. Oliver Sari, tuloy tuloy ang pagsasagawa ng kanilang hanay ng monitoring at pagpapatupad ng curfew at sa kasalukuyang pagsasagawa nito ay nakailang huli sila ng mga menor o kabataan na hindi sumusunod dito.
Mahigpit na paalala ng awtoridad sa magulang na kapag patuloy na sumusuway ang kanilang mga anak sa patakaran at makailang offense na ay sila mismo ang may pananagutan.
Ang sino mang susuway at mahuhuling lumalabag sa curfew ay maaaring patawan ng 48 hours na community service sa 1st offense at itu-turn over ang bata sa MSWDO para sa counseling, sa 2nd offense naman ay magiging limang araw na ang community service ang ipapataw at dadalhin sa MSWDO para sa intervention at sa 3rd offense nito ay tuluyan nang itu-turn over sa DSWD. |ifmnews
Facebook Comments