
Nabawasan na ang bilang ng kaso ng leptospirosis sa bansa.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Health na pinamumunuan ni Senator Christopher “Bong” Go, sinabi ni Health Usec. Mary Ann Palermo-Maestral na sa nakalipas na tatlong araw ay wala na silang nakitang surge ng leptospirosis.
Pawang mga nagpapagaling na lamang aniya ang mga natitira sa ospital sa ginawa nilang pag-iikot.
Ipinagmalaki ng Department of Health (DOH) na naging epektibo ang kanilang surge plan kung saan pinalawak nila ang kapasidad ng mga ospital.
Matatandaang tumaas bigla ang sakit na leptospirosis matapos ang sunod-sunod na pagulan noong mga nakaraang buwan.
Facebook Comments









