Kaso ng Leptospirosis, bumaba ng 66% pero posible pa ring magkaroon ng surge – DOH

Umabot na sa 1,070 na kaso ng leptospirosis ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong taon.

Mababa ito kumpara sa 3,140 mula sa nakaraang taon.

Mula sa 228 cases na naitala mula October 12 hanggang November 14, 63% ay mula sa Metro Manila, 17% sa Camarines Sur at Rizal at 10% sa Cebu.


Mataas ang incidence rates sa Cagayan Valley na nasa 4.7 per 100,000 population, kasunod ang Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 3 per 100,000.

Sa kabila nito, ang case fatality rate sa Region 2 at CAR ay mababa kumpara sa iba pang rehiyon.

Naka-prepositioned na ang mga gamot at iba pang medical supplies na kailangan para matugunan ang posibleng pagtaas ng kaso ng leptospirosis.

Pinapayuhan ang publiko na agad magtungo sa local barangay health stations para sila ay mabigyan ng karampatang lunas sakaling na-expose sila sa baha.

Facebook Comments