Kaso ng Leptospirosis ngayong buwan ng Agosto sa Pangasinan tumaas

Tumaas ngayong buwan ng Agosto ang kaso ng Leptospirosis sa Pangasinan matapos ang mga pagbaha na nararanasan bunsod ng sunod sunod na pag-ulan at pagbaha sa ilang barangay.

Sa tala ng Pangasinan Health Office, pumalo na sa 24 ang kaso ng leptospirosis ngayong buwan. Ito na ang pinaka mataas na kaso sa unang walong buwan ng taon. Nasa watchlist ng ahensya ang Rosales, Binmaley, Asingan at Pozzorubio na mayroong mataas na kaso ng nasabing sakit. Ngayong 2019 umabot na sa 61 ang kaso nito mula Enero hanggang Agosto 26, 2019 at walo na ang naitalang nasawi.

Nasa edad 25-29 na kalalakihan ang madalas na apektado ng lepstospirosis sa lalawigan.
Samantala, libre umanong ipinamimigay ang prophylaxis sa mga center o hospital upang hindi matamaan ng nasabing sakit.


Facebook Comments