Kaso ng leptospirosis, pumalo na sa 682 mula January 1 hanggang June 3 ngayong 2017

Manila, Philippines – Pumalo na sa 682 kaso ng leptospirosis ang naitala ng Department of Health mula January 1 hanggang June 3 ngayong 2017.
Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, halos dumoble ang bilang na ito kung ikukumpara sa 354 na kasong naitala ng doh noong 2016.
Dumoble rin aniya ang naitala nilang bilang ng kaso ng kamatayan dahil sa Leptospirosis, kung saan mula sa 37 noong 2016 ay nasa 73 na ngayong 2017.
Pinakamarami aniyang kaso ng Leptospirosis ay naitala sa metro manila at posibleng dahilan nito aniya, bukod sa mga pagulan, ay ang mga napabayaang nakatiwangwang na flood control projects na naging tambakan lamang ng basura.
Payo ngayon ni Asec Eric Tayag sa publiko,
“Umiwas sa baha, pagnilagnat na, namula yung mata, naninilaw yung balat, pumunta sa ospital para maagapaan para di mamatay. Kaya namamatay kasi nagkakaroon ng renal shutdown.”
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments