Tumaas ng 13% ang kaso ng leptospirosis sa unang kalahating taon ng 2021.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala ang kagawaran ng 589 kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Hunyo 19.
Umakyat naman sa 11.4% ang bilang ng mga namatay dahil sa leptospirosis mula sa 9.8% sa kaparehong panahon noong 2020.
Pinakamataas na kaso ng leptospirosis ay naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR), Western Visayas at Cagayan Valley.
Kasabay nito, nagpaalala naman si Vergeire sa publiko na magdoble ingat kung talagang hindi maiiwasan lumusong sa baha.
Facebook Comments