KASO NG LEPTOSPIROSIS SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, TUMAAS

Tumaas ang kaso ng Leptospirosis sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Health Officer Dra. Anna De Guzman, nasa apatnaput anim na ang kaso ng Leptospirosis sa ngayon kung saan ay labing tatlo ang namatay.
Aniya tumaas ang kaso ng Leptospirosis ng 21% kung saan ay nasa tatlumpu’t walo ang kaso noong nakalipas na taon at lima ang namatay.

Labing dalawang taon aniya ang pinakabata na namatay na isang estudyante mula Dagupan City habang isang sesentay uno anyos ang pinakamatanda na isang magsasaka.
Patuloy pa din aniya sila tututok sa mga water borne disease sa Pangasinan dahil sa may mga lugar pa din na may mga tubig sa ngayon na posibleng maging dahil ng pagtaas ng kaso ng nasabing mga sakit. |ifmnews
Facebook Comments