
Umaabot na sa 260 ang naitalang kumpirmadong kaso ng leptospirosos sa lungsod ng Maynila.
Ang bilang ng mga pasyenteng tinaman ng nasabing sakit ay nagmula sa anim na hospital na nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Nasa 114 na pasyente ang naitala sa Ospital ng Maynila Medical Center habang 49 sa Sta. Ana Hospital, at 38 sa Ospital ng Tondo.
Aabot naman sa 35 ang naitala sa Ospital ng Sampaloc, 23 at isa ang nanantili sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Nasa 35 ang naitalang nasawi sa leptospirosis kung saan naka-monitor naman ang Manila Health Department sa 15 pasyente na kasalukuyang naka-admit.
Inaabisuhan ang iba na agad kumonsulta sa doktor kung makararanas ng anumang sintomas ng leptospirosis habang maaari rin magtungo sa mga health centers para magpatingin at makahingi ng gamot na doxycycline bilang panlaban sa sakit.









