Kaso ng leptospirosis sa Ospital ng Maynila at San Lazaro Hospital, tumaas na matapos ang Bagyong Carina

Nasa mahigit tatlumpung (30) pasyenteng tinamaan ng leptospirosis ang ginagamot ngayon sa Ospital ng Maynila.

Ito ay mula nang tumama ang Bagyong Carina na pinalakas ng Habagat noong nakaraang buwan.

Ayon kay Dr. Aileen Lacsamana, director ng Ospital ng Maynila Medical Center, sa ngayon ay pinaghahandaan nila ang posibleng pagdami pa ng mga kaso ngayong tag-ulan.


Nagdagdag na rin sila ng bed capacity sakaling madagdagan pa ang mga pasyenteng tatamaan ng nasabing sakit.

Sa kasalukuyan, mild condition lang naman ang karamihan ng mga may Leptospirosis na naka-admit sa Ospital ng Maynila.

Samantala, patuloy na dumadami ang mga tinatamaan ng Leptospirosis sa San Lazaro Hospital na may mahigit 90 pa ngayong naka-confine.

Lima na rin ang pasyenteng nasawi dahil sa komplikasyon na dulot ng sakit.

Facebook Comments