KASO NG LEPTOSPIROSIS SA PANGASINAN BUMABA AYON SA PHO

Bumaba ang kaso ng leptospirosis sa probinsya ng Pangasinan ayon sa naging tala ng Provincial Health Office.
Sa kanilang tala, nasa siyam ang kanilang naitalang kaso mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, nasa 31% ang ibinaba ng naturang kaso.
Ayon kay Dra. Anna De Guzman ang PHO Officer, ang mga bayang kanilang binabantayan ngayon ay ang bayan ng Binalonan, Sta. Maria, Bolinao, Binmaley, Mangaldan, Mabini, at San Carlos City.

Dagdag pa nito, bagama’t bumaba ang nasabing kaso ng sakit, hinihikayat pa rin ng ahensya ang publiko na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran upang maiwasang tamaan ng mga sakit ngayong tag-ulan.
Samantala, payo din nito sa publiko na magpakonsulta sa malapit na ospital o RHU sa bayan tuwing makakaranas ng sintomas ng sakit. | ifmnews
Facebook Comments