Kaso ng leptospirosis sa QC, patuloy na tumataas

Patuloy na tumataas ang kaso ng leptospirosis sa Quezon City.

Batay sa datos ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveilance Unit, umabot na sa 313 ang kaso ng naturang sakit na mas mataas kumpara noong 2022 na naitala sa 159 o 103.25 percent.

Pinakamaraming naitalang kaso ang District 2, na mayroong 77 cases habang ang District 5 naman ang may pinakamababang bilang na nasa 35 kaso.


Dahil dito, umakyat na 39 ang leptospirosis-related deaths sa lungsod, kung saan, tatlo ang nasawi sa District 1; siyam sa District 2; apat sa District 3; lima sa District 4; habang tig-siyam naman sa District 5 at 6.

Facebook Comments