Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Solicitor General Jose Calida at Justice Secretary Menardo Guevarra na pag-aralan ang kaso ng Maynilad laban sa gobyerno.
Una nang pinagtibay ng Singapore high court ang desisyon ng international arbitration panel na bayaran ng gobyerno ng Pilipinas ang Maynilad ng P3.44 bilyong pisong para sa lugi umano nito mula March 2015 hanggang August 2016 dahil sa pagkakaantala sa pagpapatupad ng dagdag singil ng kumpaniya.
Dahil dito, pinarerepaso ng Pangulo sa lahat ng ahensya ng gobyerno ang mga pinasok na kontrata para masigurong hindi lugi ang gobyerno.
Giit ng Pangulo, na dapat tanggalin ang mga probisyon na hindi makakabuti sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Nabatid na ang kontrata sa Maynilad ay ginawa noong panahon ng Ramos administration.