Kaso ng measles-rubella, bahagyang tumaas hanggang unang linggo ng Mayo —DOH

Bahagyang tumaas ang naitalang kaso ng measles-rubella sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), nakapagtala sila ng 2,118 na kaso ng naturang sakit hanggang nitong May 10 na mas mataas kumpara sa 2,068 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Pinakamarami sa mga naitalang kaso ang National Capital Region, CALABARZON, MIMAROPA, Central Luzon at Zamboanga Peninsula.

Bahagya namang bumaba ang case fatality rate na nasa 0.42% lamang kumpara sa 0.46% noong nakaraang taon.

Habang naitala ang pagbaba ng mga kaso sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nasa 121 lamang mula sa mahigit isang libo noong 2024.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, malaking bagay ang pinaigting na bakunahan para makontrol ang mga outbreak.

Sa datos ng DOH, noong 2024 ay nasa halos 65% lamang ng mga bata ang naturukan ng kinakailangang bakuna bago tumuntong ng isang taong gulang.

Malayo pa yan sa target ng World Health Organization (WHO) at DOH na 95% annual immunization coverage.

Tiniyak naman ng kagawaran ang kanilang mga hakbang gaya ng Catch-up Vaccination at School-Based Vaccination programs na target ang milyun-milyong mga kabataan nationwide.

Facebook Comments