Kumpirmadong meningococcemia ang sanhi ng pagkamatay ng apat na taong gulang na batang lalaki na pumanaw noong Agosto 30 nitong taon sa loob ng isang pribadong ospital sa Davao City.
Ayon kay Dr. Jack Estuart, attending physician ng namatay na biktima na si alyas Josh, ikinuwento nito na noong Agosto 30, alas 10:00 ng umaga, dinala ang pasyente sa ospital matapos nakaranas ng pagsusuka at lagnat pero binawian ito ng buhay bandang alas 3:00 ng hapon.
Aniya, hindi na naagapan ang sakit ng bata dahil late na umano itong nadala sa ospital.
Kaugnay nito, wala umanong dapat ikabahala ang publiko dahil nabigyan na umano ng DOH at Brokenshire Hospital ng post exposure prophylaxis ang naka close contact ng pasyente pitong araw na ang nakaraan.
Samantala, base sa datos ng DOH-Davao ngayong taong 2019, may 13 suspected cases ng meningococcemia sa Davao kung saan 10 ang buhay habang 3 naman ang namatay.