Kaso ng Meningococcemia ngayong taon, umabot na sa halos 170 – ayon sa DOH

Umabot na sa 169 ang kaso ng Meningococcemia ang naitala ng Department of Health (DOH) ngayong taon.

Mataas ito kumpara sa 162 kases na naitala ng ahensya noong 2018.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau OIC, Dr. Ferchito Avelino, hinahanap pa ang mga taong nagkaroon ng direct contact sa mga pasyenteng may meningococcemia upang mabigyan ng Antibiotic Prophylaxis upang maiwasan ang pagkalat ng virus nito.


Lumabas sa kanilang pag-aaral na lima mula sa 10 kaso ng Meningococcemia ay nauuwi sa pagkamatay kapag hindi ito naagapan agad.

Bagamat mayroong bakuna kontra rito, hindi ito bahagi ng immunization program ng gobyerno.

Facebook Comments