Kaso ng Meningococcemia sa Pangasinan pinabulaanan

Pinabulaanan ng Rural Health Unit ng Bayambang Pangasinan ang kaso ng Meningococcemia matapos kumalat ang bali balitang namatay na bata dahil sa nasabing sakit.
Sa inilabas na pahayag ng Rural Health Unit 1 ng Bayambang, hindi umano totoo ang kumakalat na balita na namatay ang limang taong gulang na bata matapos magpakita ng sintomas ng nasabing sakit sa barangay Zone 5 ng nasabing barangay.
Hindi rin aniya totoo na namatay ang lola, ina at maging embalsamador na tumingin dito.
Wala pa umanong kumpirmasyon at pinag-aaralan pa ang sanhi ng pagkmatay ng bata.
Samantala, nagpaalala naman ang ahensya na huwag agad maniniwala sa mga impormasyon na kumakalat at walang kumpirmasyon galing sa kanilang tanggapan.
###

Facebook Comments