Kaso ng mga batang nagkaroon ng hand, foot, and mouth disease sa Bicol, umabot na sa 23

Dalawampu’t tatlong kaso na ng mga batang nagkaroon ng hand, foot, and mouth disease ang naiulat sa Bicol region.

Ayon kay Dr. Xavier Vallejo, Medical Officer III ng Department of Health sa Bicol Region, karaniwang tinamaan nito ay ang mga batang na nasa limang taong gulang pa lamang.

Hinikayat ni Vallejo ang lahat ng mga magulang pati na rin ang mga barangay official na tutukan ang mga batang gumagala at walang tsinelas.

Kailangan ding panatilihin ng mga bata ang paghuhugas ng kanilang mga kamay at paa. Bago rin kumain, dapat malinis ang mga ito, kasabay ng pag-alalay ng kani-kanilang mga magulang.

Hinihikayat din ng DOH Bicol ang publiko na panatilihin ang kalinisan sa loob at labas ng kanilang tahanan para hindi tamaan ng hand, foot, and mouth disease.

Facebook Comments