KASO NG MGA NA-HEAT STROKE NA ALAGANG HAYOP SA PANGASINAN, WALA PA UMANONG NAITATALA AYON SA PROVINCIAL VETERINARY OFFICE

Magandang balita dahil wala pang naitatalang kaso ng mga alagang hayop sa Pangasinan ang na-heatsTroke dahil sa nararamdamang mainit na panahon sa probinsiya ayon sa Provincial Veterinary Office.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dr. Arcely Robeniol, Officer In Charge ng Pangasinan Provincial Veterinary Office, sinabi nito na wala pa umanong naitatala ang kanilang tanggapan ng kaso ng hayop ang na heat stroke dahil sa mainit na panahon.
Ngunit sinabi ng opisyal na pawang mga sintomas lamang ang kanilang na-ooberserbahan na hindi na humahantong sa pagka-heatstroke na mga ito.

Huwag na anyang hintayin pa na ma-heat stroke ang mga alagang hayop bagkus gawin na lamang ang mga dapat na gawin upang maiwasan ang ganitong insidente sa mga hayop.
Samantala, may sintomas ng heatstroke ang isang hayop kung ang mga ito ay matamlay, naninigas ang kanilang mga paa, maitim ang dila at naglalaway.
Upang maagapan ang ganitong sakit ng mga hayop ay agad na bigyan ng malamig na tubig at ipainom sa mga ito at huwag na rin umanong paabutin pa sa alas onse ng umaga ang mga ito na nakababad sa ilalim ng mataas na tirik ng araw bagkus ilagay nalang sa mas ligtas at mas lilim na lugar. |ifmnews 
Facebook Comments