Patuloy na tumataas ang bilang ng mga naoospital na mga pasyenteng may Dengue.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Rene de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc o PHAPI na kapansin-pansin ang pagdagsa sa mga ospital ng mga pasyenteng may dengue.
Karamihan aniya sa may mataas na kaso ng hospital admissions ay sa Central Luzon, CALABARZON, at Zamboanga Peninsula, maging sa Visayas Region.
Wala naman aniyang problema sa hospital beds, at kung magkaproblema man aniya ay ang posibleng ito ay kakulangan sa mga nurse at iba pang healthcare workers.
Samantla, sa usapin naman ng COVID-19, sinabi ni De Grano na manageable naman ang mga pasyenteng may COVID-19 kahit pa naitatala ang pagtaas ng bilang ng mga bagong infection.
Hindi naman aniya sila nagsara ng COVID ward at nananatili ang 20% allocation nila ng hospital beds para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19.