*Cauayan City, Isabela*- Pumalo na sa 63 katao ang mga naitalang biktima ng firecrackers related injuries ng Department of Health Region 2 simula December 21 hanggang ngayong Enero 5.
Batay sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit., karamihan sa mga biktima ay kalalakihan o 41.65 percent na may edad 4 hanggang 81 taong gulang habang ang higit na apektado ay mga edad 6-10 gulang o katumbas ng 13.21 percent habang naitala pa rin sa Lalawigan ng Cagayan ang may mataas na bilang ng tinamaan ng paputok o katumbas ng 29.46 percent.
Naitala naman ang maraming bilang ng mga nabiktima ng Kwitis na umabot sa 18 na sinundan ng Luces at Boga habang nananatili na mataas ang bilang ng mga naputukan sa kamay.
Nagpaalala naman ang DOH-Region 2 sa publiko na umiwas sa mga paputok upang maiwasang maging biktima.
Photo Courtesy: DOH