Kaso ng mga Pinoy na sakay ng barkong nakabanggaan ng US Navy ship, tinututukan ng Philippine Embassy sa Japan

21

Manila, Philippines – Patuloy na mino-monitor ng Philippine Embassy sa Japan ang kaso ng Pilipinong kapitan ng Philippine-flagged vessel na nakabanggaan ng US Navy ship na USS Fitzgerald sa karagatan ng Japan.

Sa naturang insidente, nawawala ang isang US Navy commanding officer na si Cmdr. Bryce Benson

Una nang tiniyak ng Japanese authorities na ligtas ang dalawampung Filipino crew ng ACX Crystal vessel kabilang na ang kapitan.

Gayunman, patuloy na sinisailalim ng Japanese authorities sa pagtatanong ang kapitan at Pinoy crew.

Sila ay nananatiling nakasakay sa barko dahil bahagya lamang ang naging pinsala nito.

Facebook Comments