
Ipinaubaya na ni Julie “Dondon” Patidongan o “Alyas Totoy” sa Department of Justice (DOJ) ang mga reklamo kaugnay sa mga nawawalang sabungero.
Matapos magtungo kahapon sa National Prosecution Service sa DOJ, sinabi ni Patidongan na hayaan na lang ang kagawaran na isampa ang reklamo.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, kasalukuyang pang pinag-aaralan ng Justice Department ang mga reklamo na inihain noong nakaraang linggo.
Nitong nakalipas na linggo nang magtungo ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero para magsampa ng reklamong murder at serious illegal detention laban sa negosyante at gaming tycoon na si Atong Ang at iba pang indibidwal.
Facebook Comments









