Inaasahan ng World Health Organization o WHO na darami pa ang kaso ng monkeypox sa buong mundo.
Ayon sa WHO, nakapagtala na ng 92 kumpirmadong kaso ng monkeypox sa 12 bansa kung saan 28 naman ang hinihinalang kaso.
Babala ng WHO, sobrang nakakahawa ang monkeypox at madaling naipapasa sa pamamagitan ng close contact.
Ayon pa sa mga eksperto, karaniwang sintomas ng nasabing sakit ay lagnat, rashes at pamulala o pamamaga ng mata.
Nilinaw naman ng Department of Health o DOH na wala pang natutukoy na kaso ng monkeypox sa bansa.
Samantala, kinumpirma ng UK Health Security Agency (UKHSA) na naitala na ng United Kingdom ang local transmission ng monkeypox.
Matatandaan, naitala ng UK ang unang kaso ng monkeypox noong May 7 kung saan isang pasyente na kamakailan ay bumiyahe sa Nigeria.