Kaso ng nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela, nadagdagan pa; pumalo na ngayon sa bilang na 31

Nadagdagan pa ng 10 ang mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, sa kabuuan, 31 na ang pasyente ang nagpositibo sa virus.

Ang 10 ay pawang mga frontliners sa kanilang government hospital. Na-expose ang 10 sa isa sa Mga doktor na nahawa ng virus sa mga hinawakan niyang pasyente.


Bagama’t kinakitaan sila ng mild symptoms ang 10, lima sa kanila ay mananatili sa quarantine area ng ospital habang ang nalalabing lima sa posibleng pauwiin.

Lahat ng close contacts ng mga ito ay pinayuhan na sumailalim na sa 14-day home quarantine at imo-monitor.

Batay sa pinakahuling tala ng Valenzuela, mayroon ng isang kaso ng namatay sa lungsod.

Nasa 183 ang persons under investigation (PUIs) at 200 ang persons under monitoring (PUMs).

Facebook Comments